Saturday, August 30, 2014

Wika ng Pagkakaisa


“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa malansang isda”

Isa lamang iyan sa mga tumatak sa isipan ng bawat Pilipino. Ngunit sa isang kisap-mata, magiging daan ba ang wika tungo sa hinahangad na pagkakaisa?

Ngayong Agosto, ginaganap ang Buwan ng WIka. Sa taon na 2014, ang tema ng Buwan ng Wika ay “Wika ng Pagkakaisa”

Iloko, Tagalog, Chinese at iba’t-iba pang mga wika, sa tingin niyo makakamit ba natin ang pagkakaisa sa ating bayan kung magkakaiba ang wikang ginagamit? Para sa akin, hindi. Dahil sa una pa lang, magkakaintindihan ba kayo kung magkakaiba ang iyong wika, mauunawaan niyo ba ang isa’t-isa? Sa kabilang angulo naman, ang bawat wika ay mahalaga. Ngunit kailangan pa rin natin ng isang wika upang tayo ay magkaintindihan. Madami na ang nagawa ng wika para sa ating kinabukasan. Katulad na lang ni Jose Rizal, na gumamit ng alternatibong paraan upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas at ito ay ang pagsulat nito ng mga karahasan at kasakiman ng mga Espanyol sa ating bayan gamit ang ating wika.

Makapangyarihan nga naman ang ating wika sa ating mga nilalang. Kung wala ito, paano pa kaya tayo? Paano natin mapagbubuklod-buklod ang ating pagkakaisa? Tayo ay ma-swerte dahil tayo ay may wika na ipinapaintindi ang mga opinyon at kung ano-ano pa. Tunay nga naman na ang wika ang daan tungo sa inaasam na pagkakaisa.





http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wikang-pambansa-2014-2/

No comments:

Post a Comment